Tuesday, December 5, 2023

Modernisasyon ng Jeep: Pagbabago sa Tradisyonal na Pampublikong Transportasyon sa Pilipinas

Ang jeep ay ang pambansang sasakyan ng Pilipinas. Isa ito sa pinakasikat o kilalang paraan ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, na tinaguriang "King of the Road" at simbolo na ng kulturang Pilipino. Representasyon din ito ng pagiging creative o artistic ng mga Pinoy, pagkat kinahihiligan nila na guhitan o lagyan ng design ang kanilang mga jeep.


Noong June 2017, ang LTFRB ay naatasang isulong ang Department Order No. 2017-011, mula sa DOTr. Sa kautusang ito ay isusulong na baguhin ang mga pampublikong sasakyan o transportasyon dito sa Pilipinas lalo na ang jeep. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang bagong jeep na ipapalit sa luma ay mas ligtas, komportable at eco-friendly, na hindi gaanong umaambag sa polusyon ang usok nito kung ikukumpara sa tradisyonal na jeep, dahil sa ispesipikong makinang ginagamit na Euro 4. Layunin nitong bigyan ng mas ligtas na transportasyon ang mga komyuters, pero maraming mga mamamayan, tsuper at operators ang umaayaw dito dahil sa maraming negatibong epekto nito.


Maaapektuhan ang tradisyon

Ang mga tradisyonal na jeep ay may malalim na historya kaugnay ng mga lokal na komunidad. Sa pamamagitan ng modernisasyon, maaaring mawala ang mga tradisyonal na anyo ng jeep tulad ng disenyo, kulay, dekorasyon, at iba pa. Bukod dito, maaaring ipatupad ang mga regulasyon tulad ng pagbabawal sa mga lumang jeepney na hindi pumapasa sa mga pagsusuri sa emisyon. Ito ay maaaring magresulta sa pagpapalit ng mga lumang jeepney na may sentimental na halaga para sa mga tsuper at komunidad. 


Bangit, Rommel. “Philippine Jeepney Art.” 
Flickr, Yahoo!, 27 Sept. 2012, www.flickr.com/photos/rommelbangitd
311/8028382755.


Pagkawala ng flexibility ng mga ruta

Ang mga lumang jeepney ay kilala na may kakayahang mag-adjust ng ruta at maghatid ng pasahero kahit sa mga masisikip na kalye dahil sa kanilang maliliit na sukat at kakayahang manibela sa mga tight corners. Sa kabilang banda, ang mga modernong jeepney ay mas malalaki at mahahaba, na nagreresulta sa limitadong kakayahang magmaneho sa mga masisikip na lugar. Ito ay maaaring magresulta sa pagkawala ng flexibility ng mga ruta, lalo na sa mga lugar na hindi kayang pasukin ng mga mas malalaking sasakyan na maaaring magbunga sa mahabang paghihintay ng mga pasahero at mas mahabang biyahe na maaaring maging sanhi ng abala at mga aksidente.


Maaapektuhan ang mga tsuper at operator

Ang pinakaunang isyu sa modernisasyon ng mga jeep ay ang kawalan ng trabaho ng mga tsuper at operator sapagkat ito ang kanilang pangkabuhayan. Bawat transport strike ay may nagaganap na pagprotesta, at dito nila ipinaglalaban ang kanilang karapatan at dito nila ipinapakita ang hindi makatarungang pagtrato sa kanila. Hindi nila mababayaran ang gastos sa paggawa ng modernong jeep dahil halos 2.8 milyon ang halaga ng isa. Ang mga tsuper at operator ay mayroon na lamang hanggang Disyembre 31, 2023 na mag consolidate sa isang cooperative o corporation, na kapag hindi nila nagawa ay maaari silang mawalan ng trabaho.


https://youtu.be/z_IuUGK06kM?si=mHtqrQvQYTNW5X9E


Maaapektuhan tayong mga pasahero

Sa paglaganap ng mga modernong jeep, asahang tataas ang presyo ng pamasahe. Apektado ang lahat ng mamamayan lalo na sa mga komyuter na halos araw-araw ay may pinupuntahan. 


Jonathan Cellona. “Mga commuter nakapila para makasakay ng jeep sa Quezon City.” 
ABS-CBN News16 Jan. 2019, https://news.abs-cbn.com/business/01/16/19/hiling-ng-transport-
group-minimum-na-pasahe-sa-jeep-ibalik-sa-p10.


Kapag nangyari ang pag-moderno ng mga jeep, ang halaga nito ay maaaring mabawasan sa loob ng ilang taon. Maraming mga tsuper at operator ang mapeperwisyo sapagkat mawawalan sila ng trabaho, lalaki rin ang kanilang mga problema dahil hindi na sila makakahanap ng paraan kung paano at saan sila kukuha ng kita para buhayin ang kani-kanilang mga pamilya na minsan ay kaunti pa ang kanilang kinikita sa isang araw. Higit sa lahat, mawawala rin ang kinagisnan nating mga jeep.


Sa kabuuan, nararapat na hindi tayo sumang-ayon sa pagpapalit ng mga tradisyonal na jeep dahil unang-una palang ay mawawalan ng trabaho ang mga tsuper at operator na maaari pang makatulong sa kanilang pamilya. Gaya nalang ng pagsuspinde ng mga klase, apektado rin tayong commuters sapagkat sa kanila tayo dumedepende dahil kung wala sila, paano tayo? Sa planong ito, dapat isinasama ang mga mamamayan, mga mahihirap, lalo na sa parte ng mga tsuper dahil sila ang may mas malaking papel na ginagampanan at nararapat na isipin ang kanilang kalagayan at magiging kalagayan. Lagi nalang ba aasa at dedepende ang gobyerno sa ibang bansa?




Mga Sanggunian (References)

Montibon P. (2020, June 25). 1-UTAP, inirereklamo ang pagtanggal sa ruta ng
tradisyunal na jeepney. Retrieved from https://dzar1026.ph/115363-2-tradisyunal-na-jeepney/


Fernandez H. (2020, April 7). Pangarap ba ng Pilipino ang electric jeepney? Retrieved from https://www.eco-business.com/news/do-filipinos-dream-of-electric-jeepneys-tagalog/.


Lumina (2023, March 14). Jeepney Modernization Pros and Cons. Retrieved from https://www.lumina.com.ph/news-and-blogs/blogs/jeepney-modernization-pros-and-cons/


Mendoza R. (2023, March 7). The Future of Jeepney Modernization in the Philippines: Impacts, Challenges, and Opportunities. Retrieved from https://www.goldenhaven.com.ph/blog/the-future-of-jeepney-modernization-in-the-philippines/


Yee J., Canivel, R. (2017, June 20). Eco-friendly vehicle to replace jeepneys. Retrieved from https://business.inquirer.net/231685/eco-friendly-vehicle-replace-jeepneys


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Modernisasyon ng Jeep: Pagbabago sa Tradisyonal na Pampublikong Transportasyon sa Pilipinas

Ang jeep ay ang pambansang sasakyan ng Pilipinas. Isa ito sa pinakasikat o kilalang paraan ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, na t...